Tropical Cyclone Updates: Typhoon Hannah August 2019

TROPICAL CYCLONE UPDATE
FOR: TYPHOON #HannaPH {#LEKIMA}

Patuloy pang lumalakas ang Bagyong “HANNA” habang papalapit sa #SouthernJapaneseIslands taglay ang lakas ng hangin na umaabot na sa 165 kph at pagbugsong umaabot na sa 230 kph… Kikilos ito pa-North Northwestward sa bilis na 15 kph. Huli itong namataan sa layong 480 km East Northeast ng Itbayat, #Batanes… Base sa latest WIND FORECAST MAP kung hindi magbabago ang kasalukuyang pagkilos ay posibleng mamayang gabi o bukas ng madaling araw ay makakalabas na ito ng PAR.

Sa ngayon ay patuloy na magpapa-ulan na may kasamang pagbugso ng hangin ang Habagat sa mga probinsya ng #Bataan#Zambales#Pangasinan#MetroManila#MiMaRoPa#Cavite#Batangas at sa #WesternVisayas na pinalalakas ng bagyo at inaasahang magpapa-ulan na rin sa iba pang bahagi ng Luzon lalo na sa kanlurang bahagi sa mga susunod na araw na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Samantala ang isang mahinang bagyo sa West Philippine Sea naman ay inaasahang tuluyan nang hihina at mahigop ng Bagyong Hanna sa mga susunod na oras pero tumutulong ito sa pagpapalakas sa Habagat.

Please continue to monitor the next weather update and be alert for possible flashfloods and landslides in PRONE AREAS.

(c) PWS/PSU

Share This Post

Related Articles

Powered by Developed by Website Developer and Website Designer From Philippines