TROPICAL CYCLONE UPDATE For: Tropical Depression #SamuelPH

TROPICAL CYCLONE UPDATE
For: Tropical Depression #SamuelPH

Ngayong gabi o sa susunod na 1-2 oras ay inaasahang maglalandfall na ang sentro ng Bagyong “SAMUEL” sa bahagi ng #EasternSamar at ngayo’y patuloy na binabayo ang #EasternVisayas at #BicolRegion dahil sa malalakas na mga pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Napanatili pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugsong umaabot sa 85 kph… Inaasahang kikilos ito pa-West Northwest sa bilis na 20 kph. Huli itong namataan sa layong 115 km East ng Guiuan, #EasternSamar.

Ngayong magdamag ay inaasahang babaybayin ng bagyo ang #Visayashabang bukas ng umaga ay nasa #SuluSea na ito at inaasahan at huling paglandfall sa #Palawan bukas ng gabi o sa Huwebes ng madaling araw kung kaya’t asahan ang masungit na lagay ng panahon sa mga nabanggit na lugar na posibleng magdulot ng mga pagbaha o pagguho ng lupa.

Asahan din ang mga pag-ulan sa #SouthernLuzon kasama ang #MetroManila bukas dahil sa epekto ng bagyo at ng Hanging Amihan.

Share This Post

Related Articles

Powered by Developed by Website Developer and Website Designer From Philippines