Tropical Cyclone Forecast For: Potential #Amang

TROPICAL CYCLONE FORECAST
For: Potential #Amang
Possible Strength: TD – TS Category
January 18-23

Bahagyang humina ang isang bagyo na nabuo sa Pacific Ocean noong mga nakaraang araw at naging isang Low Pressure Area muli pero dahil may Warm Sea Surface Temperature ito na madadaanan sa mga susunod na araw ay inaasahang lalakas muli ito bilang isang bagyo.

Sa ngayon base sa iba’t-ibang latest forecast models ay inaasahang sa Biyernes (January 18) posible pumasok na ito sa PAR at inaasahang magiging ganap na bagyo na rin na papangalanang Bagyong “AMANG” ang unang bagyo ngayong taon… Sa #CaragaRegion / #EasternVisayas area posibleng maglandfall ang potensyal na bagyo sa weekend at posibleng tumawid din sa #BicolRegion next week. Sa ngayon ay inaabisuhan na maghanda ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan at hangin na posibleng dala ng potensyal na bagyo.

Sasabayan ng pag-iral ng Hanging Amihan at ng mabubuong Tail-End ng Cold Front ang potensyal na bagyo na magdudulot ng malawakan at malalakas na pag-ulan sa Luzon next week.

POSSIBLE AREAS AFFECTED:
#Luzon (Central & Southern section including #MetroManila)
#Visayas
#Mindanao (Northern & Eastern section)

? Be prepared.

(c) PWS/PSU

Share This Post

Related Articles

Powered by Developed by Website Developer and Website Designer From Philippines