Bagyong Tisoy Weather Update

Bagyong Tisoy Weather Update

Bagama’t patuloy pong kumikilos ang Bagyong #TisoyPH papalayo ng bansa ngayong gabi ay inaasahan pa din ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa western sections ng #SouthernLuzon at #CentralLuzon maging sa #NorthernLuzon dahil naman sa Frontal System dulot ng pagsasalubong ng malamig na Amihan at ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.

 
Bukas sa patuloy na paglayo ni TISOY sa bansa ay patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang Northern Luzon at ilang bahagi ng Central Luzon dulot pa din ng Frontal System at posibleng sa bukas ng gabi o sa Huwebes ng umaga ay tuluyan nang lalabas ng PAR ang Bagyong TISOY at inaasahang patuloy na hihina at malulusaw sa West Philippine Sea dahil sa Amihan… Magpapatuloy naman ang mga pag-ulang mararanasan sa Hilagang Luzon posible hanggang sa Biyernes dahil pa din sa Frontal System na maaaring magdulot ng mga pagbaha o pagguho ng lupa.
 
Asahan naman ang pagganda na ng panahon simula bukas maliban sa mga possible isolated thunderstorms sa mga lugar na naapektuhan ni TISOY.
 
Samantala, Isang Low Pressure Area pa din ang patuloy na binabantayan sa labas ng PAR na nasa Pacific Ocean at base sa latest Wind Forecast Map ay posibleng pumasok ng PAR sa Biyernes… Bagama’t walang nakikita sa ngayon na tyansang magiging bagyo ito ay patuloy natin itong babantayan dahil maaari itong magpa-ulan sa #EasternVisayas at sa #EasternMindanao sa weekend.
 
Bukod naman sa LPA na ating nabanggit ay wala na tayong iba pang sama ng panahon na nakikitang mabubuo sa loob at labas ng PAR.
 
(c) PWS/PSU

Share This Post

Related Articles

Powered by Developed by Website Developer and Website Designer From Philippines